필리핀2026.11.28 0
Uuwi na for good? Mga perang pwede mong makuha ulit
Uuwi ka na for good? 'Wag mong kalimutang i-claim 'tong mga pera na 'to!
Health insurance (건강보험)
Hindi na maibabalik ang mga hinulog mo. Pero kung may sobra o advance kang bayad, pwede 'yong ma-refund. I-check sa app o tumawag sa 1577-1000 bago umuwi.
E-9 – Samsung insurance at tejikum
Dalawa ang Samsung insurance mo: ang tejikum sa Samsung (출국만기보험) na hinuhulugan ng employer mo buwan-buwan, at 'yung ₩400,000 na binayaran mo noong una (귀국비용보험). Pwede mo 'tong i-claim sa airport. Kung kulang pa sa tejikum mo, ang company ang magbabayad ng difference. Sa ibang visa naman, kung isang taon o higit ka nang nagtrabaho, may tejikum (퇴직금) ka mula sa company.
Kukmin (국민연금)
Iba-iba ang rules ng kukmin refund depende sa bansa. Para sa mga Pinoy, kahit anong visa, makukuha mo ulit! Kasama ang hinulog mo, ang hinulog ng company, at may interest pa. Pwedeng kunin sa Incheon Airport. I-claim within 5 years pagkauwi.
Isang buwan bago umuwi, tumawag sa kukmin, 1355!
댓글 0
이메일 인증 후 이용할 수 있습니다.